Katangi-tanging Kulturang Pinoy

Francis Adrian Batalon
6 min readFeb 5, 2021

--

Fernando Amorsolo -Tinikling (1957)

Bawat bansa ay may iba’t-ibang uri at kanya-kanyang wika at kultura. May iba mang kahawig ang kanilang wika at kultura sa ibang bansa pero ang bansang Pilipinas ay ang may katangi-tanging kultura .Ang Pilipinas ay nakilala dahil sa ating mga magagandang tanawin at kakaibang kultura na meron tayo. Ang mga pilipino ay tinagurian din na “Most Hospitable” dahil sa magagandang ugali ng mga pilipino.

Ang ating kultura’t tradisyon ay ang pundasyon ng ating pinagmulan at pag-kakakilanlan kaya isa ito sa malaking kontribusyon ng ating pagiging Pilipino. nairirito ang mga katangi-tanging kultura na mayroon tayong mga Pilipino.

Kulturang Pinoy

  1. Bayanihan

Ang bayanihan ay ang isa sa mga pianaka-magandang pag-uugali ng mga pinoy .Ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan. Isang simpleng halimbawa na lang ay ang paglilipat-bahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat ng mga gamit. Hanggang ngayon naman ay buhay na buhay pa rin ang bayanihan sa ating mga Pilipino. halimbawa nalang nito ay kapag nagkakaroon ng mga sakuna sa ating bansa, tulong tulong tayo upang makabangon ang isat’t- isa .

2. Pagtawag ng ate at kuya sa nakakatandang kapatid.

isa ito sa pinakamaganda at pinagmamalaki kaugalian ng mga Pilipino dahil nagpapakita ito ng respeto sa mga nakakatanda . kung sa ibang bansa ay sa pangalan lang nila tinatawag ang kanilang mga nakakatandang kapatid. sa ngayon ay ginagamit na din ito sa mga hindi taong hindi natin kilala upang magpakita ng ating kabaitan at paggalang sa kanila.

Photo credit: filipiknow.net

3. Pagmamano

Ang mano o pagmamano ay isang kilos na ginagamit nating mga Pilipino upang maipakita ang ating paggalang sa ating mga lolo’t lola at sa iba pang nakakatanda. tulad ito ng pag halik sa kamay upang magpakita ng paggalang ngunit tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano, sabay sasabihing “mano po.” Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Bata pa lang ay tinuturuan na ng matatanda ang kaugalian na ito.

Sinulog Festival

4. Piyesta

Ang piyesta o pista ay isang pagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang araw na karaniwang kaarawan ng mga patron ng isang lugar o bayan. Ito at isa ng tradisyon ng mga Pilipino, ipinagdiriwang ang pista bilang pasasalamat na rin para sa mga biyaya na ipinagkakaloob sa mga tao ng mga santo at santa ng simbahan, bahagi na rin ito ng ating kultura. Ang mga pista ay karaniwang tungkol sa relihiyon dahil sa impluwesa ng mga Kastila. Ito ay ang panahon ng kasiyahan at galak para sa mga tao. ang mga halimabawa nito ay ang

  1. Sinulog Festival - Ang Sinulog ay isa, kung hindi man, ang pinakamalaking selebrasyon na inaabangan hindi lang ng mga Cebuano kundi lahat ng mga deboto ng Señor Santo Niño. Ang Sinulog Festival ay ginaganap taon-taon sa pangatlong linggo ng Enero bilang pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño at tumatagal ng siyam na araw. At kadalasang sikat ang pagdiriwang na ito sa Cebu City.

2. Higantes Festival —Ang Higantes Festival ay isang napakahalagang selebrasyon sa Pilipinas dahil sa mga sumusunod na dahilan. Una, ang fiesta na ito ay importante para sa mga tao lalo na sa Angono. Bago magsimula ang selebrasyon, ang paggawa muna ng mga higante ang nauuna. Ang mga higantes ay mga malalaking taong gawa sa kahoy. Ang Higantes Festival o ang Pista ni San Clemente ay isang masaya at makulay na pista na isinasagawa sa Angono, Rizal. Ito ay isinasagawa sa araw ng Nobyembre 23 taun-taon.

3. Panagbenga Festival - Ang Pista ng Panagbënga o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio (Ingles: Panagbënga Festival, Baguio Flower Festival) ay ang taunang kapistahan sa lungsod ng Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya’t ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbënga ay may kahulugang, “panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak”. Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok,

4. Pamahiin at mga kasabihan

Ang mga pamahiin ay mga kasabihan ng mga matatanda na maaring may kinalaman sa mga paniniwala,kultura at maging sa aspetong panrelihiyon..ang mga pamahiin ay mga sabi sabi lamang at maari ding walang katotohanan. ginagamit ito noon ng mga pilipino upang panakot sa mga bata. Karaniwan nilang sinasalamin ang mga kaugalian, tradisyon, at pamatasan ng isang pangkat, na maaaring batay sa mga paniniwala sa relihiyon, opinyon, luma o tanyag na kasanayan. Sinasabi din nila kung paano tinitingnan ng isang tao ang hindi alam at ang mga paraan upang mapayapa ang mga diyos na kumokontrol sa hinaharap. Ngunit, ang mga millennial ngayon ay hindi na naniniwala sa mga pamahiin na pamahiin dahil sa palagay nila ito ay kasabihan lamang na ang mga matandang tao ay naniniwala at hindi totoo.

5. Panghaharana

ito ay isa pang tradisyong nakaukit na sa ating kulturang Pilipino . Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang iniibig at liligawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella. sa ngayon ay hindi na masyadong ginagamit ito dahil masyado ng easy to get ang ibang babae , hindi na nararanasanan ang pang liligaw at sasagutin na nila agad ang mga gusto nila.

6. Pagkain gamit ang kamay

Kakaiba nga daw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong mundo. Ito ay sapagkat meron tayong mga ugali, kultura, mga katangian, mga ginagawa at sinasabi na sa atin lang nakikita at lalo na pagdating sa kainan. Kapag pagkain pinoy ang pinag uusapan tiyak may tuyo,may sawsawan, pritong isda, ma sarsang ulam talagang gaganahan kang magkamay. Nakagawian ng ng mga pinoy ang magkamay habang kumakain kase talaga namang nakakaganang kumain kapag nakamay kayong lahat. sabi pa ng iba ay mas masarap ang pagkain kapag kamay ang ginagamit .

ito ang halimabawa sa mga kakaiba at katangi-tanging kultura na makikita sa Pilipinas. kung alam mo at naranasan mo na ang mga ito ikaw ay certified pusong pinoy.

--

--

Responses (3)